Pagsusuri sa Kabanata 6 ng Noli Me Tangere: Si Kapitan Tiago
Alalamin ang mga katangian ni Kapitan Tiago at ang mga tauhan sa Kabanata 6 ng Noli Me Tangere nina Maria Clara, Padre Damaso, at iba pa.
NOLI ME TANGERE
Kabanata 6:
Si Kapitan Tiago
Inihanda ni:
Jemaicah Domingo
BSIT 2C Web
PAGPAPAKILALA
Si Kapitan Tiago
Si Kapitan Tiago, na may tunay na pangalang Don Santiago de los Santos, ay isang mayamang mangangalakal at asendero sa Binondo. Siya ay pandak, moreno, at may bilugang mukha na dating maganda ngunit nasira ng pananabako at pagnguya ng nganga. Sa edad na trentay-singko, siya ang pinakamakapangyarihang tao sa kanyang lugar — nagmamay-ari ng lupa sa San Diego, Pampanga, at Laguna, at kumikita sa opium at mga kontrata ng gobyerno. Kilala siya bilang isang sipsip sa mga prayle at Kastilang opisyal, at gumagamit ng yaman para makamit ang katayuan sa lipunan.
MGA TAUHAN
Kabanata 6 — Bahagi 1
Kapitan Tiago
Don Santiago de los Santos — pandak, moreno, mayaman at asendero. Sipsip sa mga prayle at Kastila. Gumagamit ng yaman para makamit ang kapangyarihan.
Maria Clara
Anak ni Kapitan Tiago at Doña Pia Alba. Maganda at mabait na dalaga. Inaruga ni Tia Isabel. Ipinasok sa kumbento sa edad na labing-apat.
Padre Damaso
Paring Pransiskano at ninong ni Maria Clara. Makapangyarihan at mapagmataas. Siya ang nagpayo kay Kapitan Tiago na pumunta sa Obando.
MGA TAUHAN
Kabanata 6 — Bahagi 2
Doña Pia Alba
Magandang asawa ni Kapitan Tiago mula Sta. Cruz. Mapagmahal at mabuting babae. Namatay pagkatapos manganak kay Maria Clara dahil sa kahirapan ng panganganak.
Tia Isabel
Pinsan ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara matapos mamatay si Doña Pia. Matandang babae, tapat at mapagmalasakit sa pamilya ni Kapitan Tiago.
Don Rafael Ibarra
Matalik na kaibigan ni Kapitan Tiago. Ama ni Crisostomo Ibarra. Mabuting tao at may mataas na prinsipyo. Pinagkasundo ang anak nilang si Ibarra at Maria Clara para sa kasal.
- noli-me-tangere
- kapitan-tiago
- jose-rizal
- panitikan
- filipino
- kabanata-6
- tauhan